Mga biyahero, dagsa na rin sa NAIA tatlong araw bago ang Pasko

Dagsa na rin ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw, December 22, tatlong araw bago ang Pasko.

Maluwag naman ang daloy para sa linya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasunod nang paalala ng pamunuan ng NAIA hinggil sa kanilang biyahe.

Una nang sinabi ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) na inaasahan nila ang mahigit 2 milyon na pasahero na gagamit ng terminal ngayong holiday season.

Mahigpit naman ang seguridad na ipinatutupad sa paliparan simula pagpasok sa terminal hanggang pag-check ng kanilang bagahe o maleta at iba pang bitbitin.

Facebook Comments