Ipapataw na rin ng gobyerno ng Pilipinas sa mga bIyahero o travellers galing China na sumailalim sa COVID-19 testing kung kinakailangan lalo’t maraming bansa na ang naglabas na bagong testing rules para sa mga bIyaherong galing sa China.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung kailangang gawin ang testing ay dapat itong gawin depende sa kung gaano ka delikado ang sitwasyon.
Kung manageable naman ayon sa pangulo, gagawa ng paraan ang gobyerno na hindi tuluyang isarado ang borders sa China.
Una nang inanunsyo ng American Federal Health Officials na oobligahin ng Estados Unidos ang lahat ng travelers mula sa China na magpakita ng negative COVID-19 test result bago ang boarding flight papuntang US.
Ito ay dahil sa tumataas na namang kaso ng Coronavirus infections sa China at walang transparency ang china government kaugnay dito.