Ipinag-utos na ng Estados Unidos ang mandatoryong pagsusumite ng negatibong resulta ng COVID-19 test ng mga biyahero mula United Kingdom bago payagang makapasok sa estado.
Ayon sa Center for Disease Control and Prevention (CDC), ang negative COVID-19 result ng pasaherong mula UK ay dapat isinagawa sa loob ng 72 oras o tatlong araw bago ang kanilang pagbiyahe.
Ang naturang hakbang ay pag-iingat sa banta ng bagong strain ng COVID-19 na naunang natuklasan ng mga eksperto sa UK.
Sa pagtataya ng CDC, ang bagong strain ng virus ay 70 percent na mas mataas ang tiyansa o mabilis na kumalat.
Facebook Comments