MGA BIYAHERO NGAYONG HOLIDAY SEASON, DAGSAAN NA

CAUAYAN CITY- Nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa mga bus terminal sa Lungsod ng Cauayan ilang araw bago ang kapaskuhan.

Ayon kay Jay Mark Sopranes, Security Guard ng bus terminal, nasa higit isang daang indibidwal ang bumabiyahe araw-araw sa terminal, na may pare-parehong dami ng mga pasahero kumpara sa nakaraang taon.

Napansin nito na mas marami ang umaalis sa lungsod patungo sa mga lugar gaya ng Manila at Dagupan.


Upang mapanatili ang kaayusan, mahigpit na ipinapatupad sa terminal ang pagbabawal sa pagdadala ng mga alagang hayop at halaman nang walang kaukulang permit kung saan kasama ang K9-unit sa pagbabantay at pagsusuri upang matiyak ang pagsunod ng mga pasahero sa mga regulasyon.

Samantala, inaasahan na dadami pa ang mga pasahero sa terminal habang papalapit ang Pasko, lalo na’t karamihan ay magdiriwang ng kapaskuhan kasama ang kanilang mga pamilya sa iba’t ibang lugar.

Facebook Comments