MGA BIYAHERO SA MGA BUS TERMINALS NG DAGUPAN CITY, KAUNTI NA LAMANG SA BISPERAS NG PASKO

Hindi masyadong dinagsa ang mga bus terminals sa lungsod ng Dagupan ng mga biyahero sa bisperas ng Pasko.

Paliwanag ng isang bus driver, marami na kasi umano ang bumyahe noong araw ng biyernes hanggang lunes kaya’t hindi na raw ganoon karami ang mga pasahero.

Samantala, tiniyak ng bus companies na hindi magkukulang ang kanilang mga bumabyaheng bus upang mapunan ang pangangailan ng mga pasahero, kung saan nagrequest na umano ang mga ito ng special permit.

Dagdag pa riyan, inaasahan na dadagsa muli ang mga byahero pabalik ng Maynila pagkatapos ng bagong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments