Kailangang sumailalim sa 14-day quarantine pagkarating sa Pilipinas ang mga biyaherong galing sa mga bansang mayroong bagong variant ng COVID-19 mula sa United Kingdom (UK).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang rekomendasyong ito ay kabilang sa mga inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang 14-day quarantine ay mandatory requirement sa lahat ng mga manggagaling sa mga bansang may kaso ng bagong strain ng coronavirus, ano pa man ang resulta ng kanilang RT-PCR test.
Ang mga biyahero mula sa UK ay i-a-isolate sa quarantine facilities sa Clark, Pampanga.
Sinabi rin ni Roque na paiigtingin ng Pilipinas ang virus surveillance efforts nito para malaman kung ang bagong COVID-19 variant ay nasa bansa na.
Magiging bahagi sa virus surveillance ang target sequencing sa high-risk groups.