Mga biyaherong nagkaroon ng rashes sa nakalipas na 30 araw, kailangan na ring ilagay sa ilalim ng bagong travel declaration dahil sa Mpox

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na bahagyang binago ang tanong sa Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga pasaherong papasok ng Pilipinas.

Layunin nitong maiwasan ang pagsipa ng mga kaso ng Mpox, at ang pagpasok ng Clade IB na itinuturing na mas nakakahawa.

Ayon sa DOH, kasama na sa ilalagay ng pasahero na nagkasakit sa nakalipas na 30 araw kung nagkaroon din sila ng rashes at mga kagaya nito.


Kaugnay nito, nanawagan ang kagawaran sa mga biyahero na maging tapat sa pagsagot lalo’t nakasalalay din dito ang kalusugan ng marami.

Hanggang kahapon, nasa 14 na ang kaso ng Mpox sa bansa kung saan lima ang nananatiling aktibo at siyam ang gumaling na, at napaulat noon pang 2023.

Facebook Comments