Mga biyaherong papasok sa Navotas, pwedeng magpa-RT-PCR test nang libre sa lungsod

Pinayuhan ni Navotas Mayor Toby Tiangco ang mga biyahero mula sa labas ng NCR Plus na papasok ng Navotas na sa lungsod magpa-RT-PCR test para makalibre.

Ito ay kasunod na rin ng pagsasailalim sa lungsod bilang “restricted” dahil na rin sa nakakabahalang pagtaas ng mga kaso sa syudad sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay Tiangco, sakaling may bayad sa kanilang lugar ang mga biyahero na papasok ng Navotas ay maaaring abisuhan ang lokal na pamahalaan bago pumunta upang maabangan sila at maisailalim sa swab test nang libre.


Paalala naman ng alkalde na kailangan pa rin ang s-pass dahil dito isusumite ng mga biyahero ang mga requirements na hihingiin sa kanila ng Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments