Tiniyak ng Department of Health (DOH) na sumasailalim sa mahigpit na quarantine protocols ang mga biyahero mula sa ibang bansa na pumapasok ng Pilipinas.
Ito ay matapos magpositibo sa Omicron variant ang isang Returning Overseas Filipino at isang Nigerian national na dumating sa bansa.
Ayon sa DOH, sinisiguro nilang negatibo sa COVID-19 ang mga biyahero bago palabasin ng quarantine facility.
Anila, inabisuhan na nila ang mga pasahero ng flight PR 0427 na galing Japan na dumating sa bansa nitong December 1 at flight WY 843 na galing Oman na dumating noong November 30 na obserbahan ang kanilang sarili.
Kasabay nito, muling hinimok ng DOH ang publiko na magpabakuna na bilang proteksyon sa COVID-19.
Siniguro rin ng DOH na hindi makakaapekto sa National Vaccination Days ang natukoy na Omicron variant.