Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit 6 million arrivals para sa taong 2022.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nasa kabuuang 6,125,841 ang mga biyaherong pumasok sa bansa noong nakaraang taon.
Sa naturang bilang, 3.6 million dito ay mga Pilipino.
Nangunguna naman sa foreign arrivals ay ang mga biyaherong mula sa Estados Unidos, sinundan naman ito ng South Korea, Australia Canada at Japan.
Nabatid na bago ang pandemya ay nakapagtala ang immigration ng nasa 17 milyon arrivals noong taon 2019.
Facebook Comments