Inilabas na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang listahan ng online merchants na kailangang magparehistro.
Nabatid na ipinag-utos ng BIR sa higit 120 Revenue District Officers (RDOs) sa buong bansa na ilabas ang certificate of registration sa mga digital seller ng goods at services sa loob ng isa hanggang dalawang araw pagkasumite ng application.
Sa taya ng BIR, nasa anim na milyong big, medium at minimal digital merchants ang nag-ooperate sa bansa.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, ang mga digital merchants na kailangang magparehistro ay mga sumusunod:
- E-Commerce Platform Providers
- Internet Retailers ng Consumer Goods
- Digital Service, Membership at Subscription
- Digital Transaction sa pamamagitan ng Electronic Platforms at Media
- Online Blogging, Film Makers na kumikita mula sa advertising ng kanilang online channels
- Ride-Hailing Services para sa food, transportation, delivery, o merchandise.
Una nang nilinaw ng BIR na ang mga kumikita ng higit ₱250,000 kada taon ang kailangang magbayad ng income tax.
Facebook Comments