Naging makulay at maningning ang pagsalubong ng Bagong Taon sa bayan ng Mangaldan dahil sa engrandeng New Year Costume and Masquerade Ball na ginanap sa Mangaldan Public Auditorium.
Sa kabila ng mga naggagandahang kasuotan at makislap na maskara, higit na tumingkad ang gabi dahil sa pagkilala sa mga kahanga-hangang tagumpay ng mga board at bar passers na nagmula sa nasabing bayan.
Sa taong 2022 hanggang 2024, halos 600 Mangaldeños ang matagumpay na nakapasa sa iba’t ibang board at bar examinations, at anim sa kanila ay naging topnotchers.
Bilang pagkilala sa kanilang pagsusumikap at tagumpay, binigyan sila ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ng plaque of recognition at cash incentives na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa.
Bukod sa pagkilala sa mga passers, nagkaroon din ng masiglang kompetisyon sa Costume and Masquerade Ball, kabilang ang Mr. and Miss New Year, Best Costume, at Dance Competitions. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨