Mga boarding houses at dormitories sa Bacolod, isasailalim sa inspeksyon

Bacolod City – Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang Permits and Licensing Division ng Bacolod City sa kooperasyon ng City Treasurer’s Office sa mga boarding houses at dormitories sa lungsod ng Bacolod umpisa sa Hunyo 15.

Ayon sa mga city officials, ito ay upang masiguro ang safety ng mga estudyante at upang malaman kung naka-comply ang mga may-ari ng boarding houses at dormitories sa mga clearances mula sa Bureau of Fire Protection, sa City Health Office at the Zoning Division.

Inihayag ng kaukulang ahensya ng gobyerno na ang sinumang mahuli na walang business permit ay padadalhan ng notice of violation upang ang mga ito ay makapagproseso.


Obligado rin ang mga boarding houses at dorm operators na magpaskil ng mayor’s permit sa kanilang pina-uupahang kwarto o bahay.
DZXL558

Facebook Comments