Mga botante, dumagsa sa COMELEC registration sites sa huling araw ng pagpapatala

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) ang mataas na turnout ng mga nagpatalang botante sa huling araw ng voters’ registration ngayong araw.

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco, pumalo sa average na 600 na mga botante kada site ang naitala ng poll body.

Partikular na naitala ang naturang figure sa National Capital Region (NCR), Regions 3 at 4-A.


Inihayag ng COMELEC na lalong humaba ang pila sa registration sites nang pumatak ang alas-3:00 ng hapon hanggang alas-5:00 ng hapon.

Pinayagan pa ring makapagparehistro ang mga botante na dumating ng alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments