Dagsa ang mga tao sa Putatan Elementary School sa Muntinlupa City. Wala naman problema sa seguridad dahil maagang pumuwesto ang mga pulis at kasama din nila sa pagbabantay ang City Security Service ng Muntinlupa City Government habang naka-alalay naman ang Bureau of Fire Protection.
All set na din ang emergency accessible polling place para mabilis at maayos na makaboto ang mga Persons with Disability, Senior Citizens at mga buntis pero hirap naman ang ilang botante na hanapin ang kanilang polling precint dahil walang umaalalay sa kanila na mga tauhan ng PPCRV at Comelec.
Nasa 342,511 ang registered voters sa 9 barangay sa Muntinlupa kung saan ang Brgy. Putatan ang may pinakamaraming bilang na aabot sa 69, 854 na sinundan naman ng Brgy. Poblacion na may 68,694 habang pinakamaliit naman o kaunti ang bilang sa Brgy. Buli na may 7, 673.