Mga botanteng ‘di nakaboto sa Bangsamoro plebiscite, makakaboto pa rin sa midterm elections – Comelec

Manila, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na makakaboto pa rin ang isang indibidwal sa nalalapit na May 2019 midterm elections kahit hindi ito nakaboto sa Bangsamoro plebiscite.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – ang plebisito ay isang special election at malabong matanggal sa voters list para sa midterm elections ang isang botante kapag hindi ito bumoto sa plebisito.

Pero sinabi ni Jimenez na kokonsultahin muna niya ang kanilang law department hinggil dito.


Nabatid na isinagawa kahapon, February 6 ang second round ng Bangsamoro plebiscite sa Lanao del Norte at North Cotabato.

Facebook Comments