Isasailalim na sa deactivation ang mga botanteng bigong lumahok sa nakalipas na dalawang Eleksyon.
Ito’y bahagi ng Natiowide ‘Cleansing Process’ ng Commission on Elections.
Ayon kay COMELEC Election and Barangay Affairs Department Dindo Magsalang, nakasaad sa Republic Act 8189 o Voters Registration Act, kapag hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan ang isang botante ay awtomatikong deactivated na ito.
Pero maaari pa ring mag-apply para sa reactivation ang mga botante hanggang September 30, 2019, kung saan deadline din para sa nagpapatuloy na Voters Registration.
Sa ngayon, nasa proseso pa ang poll body sa paglikom ng lahat ng deactivated Voters sa buong bansa.
Nabatid na gaganapin sa May 2020 ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.