Mga botanteng pumila sa COMELEC registration site sa Parañaque, dismayado matapos hindi nakapagparehistro

Dismayado ang ilang botante na hindi nakapagrehistro sa isang registration site ng Commission on Elections o COMELEC sa lungsod ng Parañaque kaninang umaga.

Ito ay matapos magkaroon ng tensyon dahil sa pagkadismaya ng mga residenteng taga District 1 ng lungsod bago pa man buksan ang registration site sa Parañaque Sports Complex sa likod ng city hall.

Batay kasi sa unang anunsiyo ng COMELEC ay nakalaan para sa District 1 at District 2 ang registration pero kinansela muna ang para sa District 1.


Nasa higit 100 ang pumila mula madaling araw pa lamang sa pag-aakalang makakapagparehistro na sila para makaboto sa 2022 elections.

Samantala, sa Ayala Malls by the Bay na itutuloy ang registration para sa mga taga-District 1 at sa SM BF naman para sa taga-District 2 simula bukas hanggang sa pagtatapos ng voter registration.

Facebook Comments