Mga botikang nagbibigay ng COVID-19 booster shot, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ng dalawang botika sa Metro Manila ang magututrok ng COVID-19 booster shot.

Kabilang na rito ang Mercury Drug branch sa Retiro St. sa Quezon City at Mercury Drug branch sa Bonifacio Global City, Taguig.

Ang COVID-19 vaccines na gawa ng AstraZeneca ang ibinibigay na booster sa Retiro St. branch kung saan tumatanggap din sila ng walk-in.


Sa kabuuan, umabot na sa pitong botika at dalawang pribadong clinic ang nagasagawa ng vaccination rollout sa National Capital Region (NCR).

Batay naman sa Department of Health-NCR, pitong botika pa ang nag-apply na rin para maging vaccination booster sites.

Facebook Comments