Mga botikang nagpapatupad pa rin ng 12% VAT sa mga maintenance medicines, dapat ireklamo – VP Robredo

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na isumbong ang mga botikang nagbebenta ng mga gamot sa diabetes, high cholesterol, at hypertension na may pataw pa rin 12% value-added tax (VAT).

Ayon kay Robredo – napansin kasi niya na ang presyo ng mga maintenance medicines ay hindi pa rin nagbabago sa ilang drug store.

Payo ng Bise Presidente, ugaliing humingi ng resibo at suriin kung ang mga biniling gamot ay VAT-free.


Matatandaang ipinatupad ng gobyerno ang pagpapatupad ng VAT exemption sa prescription drugs o gamot para sa mga nabanggit na karamdaman bilang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Facebook Comments