Mga BPO at iba pang workplace, tututukan ng DOH sa kampanya kontra HIV

Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagpapakalat ng impormasyon at pagbibigay ng serbisyo kaugnay sa human immunodeficiency virus o HIV lalo na sa mga opisina.

Ayon sa DOH, malaki ang oras na iginugugol ng mga manggagawa sa mga opisina o workplace kaya target nilang maabot ang mga ito.

Bahagi ng kampanya ng kagawaran ang pagbibigay ng libreng condoms, lubricants, at Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP), HIV testing, at edukasyon sa pagsunod sa antiretroviral therapy kung sakaling magpositibo sa HIV.

Nauna nang binisita ng mga kawani ng DOH ang iba’t ibang mga Business Process Outsourcing (BPO) sa Alabang, Muntinlupa City upang magbigay ng HIV education at services.

Sabi ng kagawaran, mayroong mahigit 300 DOH-Designated HIV Care Facilities sa bansa na handang magbigay ng mga serbisyo para sa HIV prevention, at ang gamutan sa mga pasyenteng positibo sa sakit.

Facebook Comments