Mga brand ng toyo at patis, susuriin na rin

Susuriin na rin ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) ang mga brands ng toyo at patis para tiyakin na ang produkto ay ayon sa standard production processes.

Ito ay kasunod ng mga ulat na ilang gumagawa ng toyo at patis ay gumagamit ng hydrochloric acid o muriatic acid para pabilisin ang mahabang proseso ng fermentation.

Ayon kay Carlo Arcilla, director ng PNRI – muli nilang gagamitin ang advanced nuclear technology para malaman kung ang naturang uri ng mga panlasa o sawsawan ay naglalaman ng synthetic ingredients.


Sinabi naman ni Dr. Alonzo Gabriel ng Philippine Risk Profiling Project – na magsasagawa rin sila ng sariling pag-aaral sa toyo at patis.

Aniya, ang standard production ng soy sauce at fish sauce ay dapat na sa pamamagitan ng fermentation.

Matatandaang ang PNRI ang sumuri rin sa 15 brands ng suka na mayroong synthetic acetic acid.

Facebook Comments