Mga Brgy.Chairman ng lungsod ng Maynila na hindi susunod sa batas, binalaan ng MMDA

Manila, Philippines – Binalaan ni MMDA Chairman Danny Lim ang lahat ng Brgy. Chairman sa buong Metro Manila na sumunod sa batas .

Ito ay matapos sampulan ni Lim na gibain ang dalawang Brgy. Hall sa Lungsod ng Maynila dahil ang mga ito ay nakaharang sa mga bangketa.

Ayon kay Lim ang mga naturang Brgy. Hall ay ginagawa na lang tulugan ng mga tanod at sa halip na sumunod sa batas ay sila pa ang lumalabag dito.


Paliwanag ni Lim bahala na rin umano ang pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pag lilipatan ng mga nasabing Brgy.

Panawagan ni Lim sa publiko ay mag sumbong sa kanilang Hotline 163 para sa mga makikitang problema sa daan.

Nanawagan din ang dating heneral sa iba pang Brgy Chairman na sumunod na sa batas at huwag nang antayin na sila pa ang gumiba sa Brgy. Hall na naka tayo sa mga bangketa.

Facebook Comments