*Cauayan City, Isabela- *‘Di na umano dapat magtagal pa sa pwesto ang mga brgy captain at brgy. officials na hindi marunong kumilos para sa kanyang nasasakupan.
Ito ang naging pahayag ni Department of the Interior and Local Government Undersecrecatary Martin Diño hinggil sa direktiba ng mga kapitan na tumulong sa pagsugpo ng droga sa bansa.
Aniya, Kung gagalaw umano mismo ang bawat Kapitan at brgy officials ay mabilis lamang umano na malutas ang problema sa droga ng ating bansa dahil alam umano mismo ng isang kapitan ang mga nangyayari sa kanyang nasasakupan.
Nararapat lamang din umano na kumilos at pangunahan ng isang kapitan ang lahat ng mga aktibidades gaya ng pagsupil sa droga sa kanyang nasasakupang barangay dahil wala umanong karapatan ang isang pulitiko na umupo sa kanyang pwesto kung hindi rin nito ginagampanan ang kanyang mandato.
Ayon pa kay Diño, Patuloy pa rin umano ang kanilang koordinasyon sa mga local officials upang ipatupad at gawin ang kanilang mga mandato sa kani-kanilang mga barangay kaugnay sa pagsugpo sa droga.