Mga brgy official na lalahok sa kampanya ng mga local candidate, mahigpit na babantayan

Nagpaalala ang Commission on Election o Comelec na mahigpit nilang babantayan ang mga opisyal ng barangay na lalahok sa pangangampanya ng mga local candidate.

Giit ni Comelec Spokesman James Jimenez, maliwanag sa sinumpaan tungkulin ng mga barangay official na hindi sila sasali sa anumang aktibidad na pang-politikal kapag sumapit na ang eleksyon.

Aniya, mahaharap sa election hearing ang sinumang opisyal ng barangay na makikitang nag-eendorso ng kandidato at nagkakabit ng campaign materials sa kanilang tanggapan.


Sabi pa ni Jimenez, ang DILG ang bahalang magsampa ng reklamo sa sinumang barangay official na lalabag sa mandato.

Facebook Comments