Mga brgy officials, hinimok ng DENR na makiisa sa Manila Bay rehab

Manila, Philippines – Nanawagan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu sa mga barangay leaders na tumulong at makiisa sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, ang paglilinis ng mga ilog at iba pang daluyan ng tubig ay nakasalalay sa kanila at sa komunidad nito.

Ipinaalala rin ng kalihim sa mga barangay officials ang kanilang tungkulin na ipatupad ang environmental laws partikular ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at Philippine Clean Water Act of 2004.


Handa rin ang DENR na tulungan ang mga barangay lalo na sa relocation ng illegal settlers sa mga estero at ilog.

Nabatid na aabot sa 230,000 informal settler families ang nakatira sa paligid ng Manila Bay.

Facebook Comments