Mga “budol” gang, mahigpit na binabantayan ng QCPD personnel sa mga terminal ng bus sa QC ngayong dagsa na ang bumibiyahe

Nakaalerto ngayon ang mga tauhan ng Quezon City Police District sa mga “budol” gang na maaaring mambiktima sa mga pasaherong uuwi sa mga probinsya kaugnay sa selebrasyon ng Pasko.

Ayon kay Patrolman Mon Carian na naka-deploy sa 5-Star terminal, kabilang sa kanilang binabantayan ay ang “dura-dura” gang o ang mga grupo na lalansihin ang kanilang mga biktima upang makuha ang kanilang mga gamit o pera.

Sa 5-star terminal, sunod-sunod na ang pag-alis at pagdating ng mga bumibiyaheng bus.


Tantiya ng dispatcher na si Richard Manuel, aabot ng pitong libo ang mga dadagsang mga pasahero hanggang mamayang hatinggabi.

Marami na kasi aniya ang naka-bakasyon na ngayon na uuwi na sa kanilang probinsya.

Wala naman aniyang pagtaas sa pamasahe sa ngayon bilang tulong sa mga hirap sa buhay ngayong Pasko.

Facebook Comments