Hindi napigilan ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang kaniyang inis at galit tungkol sa isyung humingi umano siya ng P3 million talent fee sa TV5 kapalit ng pag-o-ober da bakod niya.
Umugong kasi ang balitang tinanggihan siya ng Kapatid network dahil masyado raw mataas ang hinihinging TF ng tinaguriang “Unkabogable Star” kada proyekto. Batay pa sa ulat, nakatakda sanang gumawa ng four-project episode ang celebrity na tatakbo raw ng isang buwan.
Mismong kampo raw ni Vice ang nakipagnegosasyon sa pamunuan ng TV5 matapos “patayin” ng Kongreso ang prangkisa ng ABS-CBN Broadcasting Corporation.
Sa Twitter, tahasang sinabi ng aktor na malaking “fake news” ang kumalat na impormasyon. Ipinost din niya ang screenshot ng balita mula sa isang blogsite kung saan may headline itong ““Ang mahal! TV5 reportedly rejects Vice Ganda after the comedian’s camp asks 3-M pesos talent fee.”
“Mga Bulaang Bwa****** U***!!! #PekFakeNews. Mga bulaang u***!!!,” mensahe ni Vice na umani ng 1,800 retweets at 18,400 likes.
Mga Bulaang Bwakanang ULUL!!! #PekFakeNews pic.twitter.com/pedAv64KH9
— jose marie viceral (@vicegandako) July 21, 2020
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang TV5 hinggil sa nasabing tsismis.