Bilang na ang mga araw ng mga bulakbol , tamad at pabanjing-banjing na mga lokal na opisyales sa Mindanao lalong lalo na sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Itoy matapos magpalabas ng Martial Law Instructions # 1 series of 2018 ang DILG Central Office na nagsasaad at nagbibigay ng kapangyarihan kay ARMM Governor Mujiv Hataman at iba pang mga Provincial Governors katuwang ang mga opisyales ng militar na imonitor ang bawat Local Chief Executives na sa ilalim ng kani kanilang mga nasasakupan .
Layun nito ay upang malaman ang mga ginagawang inisyatiba ng mga Local Mayors lalong lalo na sa paghahatid ng kanilang mga programa at serbisyo sa kanilang mga kababayan.
Mariin ring pinapatutukan sa mga Gobernador di lamang ang pagpasok kundi ang pagtatrabaho ng kani kanilang mga alkalde. Malaki rin aniya ang posibilidad na maaring sibakin sa kanilang pwesto ang mga bulakbol na mga alkalde.
Kaugnay nito makakaasa aniya ang taumbayan na tutukan ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang lahat ng mga opisyales ng rehiyon alinsunod sa ipinag utos ng DILG sa direktiba ng Presidente Rody Duterte.
Sisiguraduhin aniyang magtatrabaho ang lahat ng mga opisyales alang alang sa kapakanan ng mga residente ng ARMM.
Samantala magsislbing Martial Law Administrator sa Mindanao si DND Secretary at Implementor naman si AFP Chief of Staff