Mga bulok na jeep at bus, pinaaalis na sa mga kalsada

378

Pinaaalis na ng isang kongresista ang mga bulok na jeepneys at bus na bumabyahe pa rin sa mga kalsada.

 

Ayon kay ACT CIS Rep. Nina Taduran, matagal na dapat na na-i-impound ang mga bulok at kakarag-karag na sasakyan kung mahigpit lamang na sinusunod ang batas.


 

Isang patunay sa palpak na implementasyon sa batas-trapiko ay ang ikinasang nationwide transport strike nitong Lunes.

 

Nilinaw naman ni Taduran na nauunawaan niya ang karapatan ng mga drivers at operators pero naglipana pa rin ang mga jeep at bus na may mga depektibong headlights na takaw-trahedya sa mga lansangan.

 

Pinuna rin ng lady solon ang mga barumbadong driver na dapat ay sinususpinde ang lisensya dahil sa panganib na idinudulot sa mga pasahero.

Facebook Comments