Mga buma-byaheng unit ng Uber at Grab, umabot na sa 120,000

Manila, Philippines – Ikinagulat ng LTFRB at mga mambabatas ang bilang ng mga Transport Network Companies na Grab at Uber.

Sa pagdinig ng transportation committee sa kamara, sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra, ikinagulat nila ang sinumiteng listahan na nasa 120,000 ang mga bumabyaheng Grab at Uber.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na sinabi ng Grab at Uber ang tunay na bilang ng kanilang units.


Iginiit naman ni Leyte Rep. Vicente Veloso, na nilalabag ng Grab at Uber ang batas sa tuwing babyahe ang kanilang units ng walang prangkisa.

Nabatid na mas madami na ang bilang ng Grab at Uber kaysa sa 55,000 mga pampasaherong jeep at 48,000 mga taxi.

Facebook Comments