Ipit umano sa nararanasang mabigat na daloy ng trapiko ang mga bumabyaheng sasakyan sa lungsod ng dagupan lalo na sa bahagi kung saan umiiral ang one way traffic scheme.
Ramdam umano ng mga ito ang hirap sa paghihintay at tagal pagdating sa bigayan ng daan lalo na pansamantala munang nakatigil ang mga traffic lights at tanging mga itinilagang mga POSO officers ang umaantabay sa magiging daloy nito.
Ilang mga pasahero naman ang naglalakad papunta sa eksaktong destinasyon dahil hindi raw abot ng bagong iniikutang ruta ang kanilang dapat na puntahan.
Ayaw din umano ng mga ito mag tricycle dahil namamahalan na raw sila sa pamasahe.
Samantala, matatandaan na posible umanong baguhin ang traffic scheme ngayon pagkatapos ng mga isasagawang monitor at assessment, ayon sa tanggapan ng POSO Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments