Mga bumbero, aarmasan na rin

Aarmasan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang firemen para makatulong sa law enforcement.

Sa kanyan talumpati sa 28th Anniversary ng Bureau of Fire Protection (BFP), nangako ang Pangulo na bukod sa dagdag na firetrucks ay iisyuhan na rin niya ang mga ito ng firearms.

Iginiit ng Pangulo – kailangang tumulong ang mga bumbero sa mga pulis at militar.


Pinuri rin ng Pangulo ang matibay na commitment ng mga bumbero sa kanilang duty kahit nalalagay sa peligro ang buhay.

Facebook Comments