MGA BUMIBILI NG HANDA SA MEDIA NOCHE, DAGSA NA SA DAGUPAN CITY; MABAGAL NA DALOY NG TRAPIKO SA DOWNTOWN AREA NARARANASAN

Dagsa na ang mga bumibili ng panghanda para sa media noche at bumibili ng pang regalo sa Dagupan City, Isang araw bago ang bisperas ng bagong taon.

Paliwanag ng ilang mga ilang nagpupunta sa Baratilyo, hahabol ang mga ito sa bigayan ng regalo sa kanilang mga inaanak at kaanak. Ang ilan ang mga pinamaskuhan nila ay ginastos na upang makabili man lang ng bagong damit para umano sa 2025.

Mabenta na rin ang pampaingay dito Gaya ng torotot na nasa 20 pesos hanggang 150 pesos.

Ang ilan nagsimula nang mamili ng bilog na prutas at iba pang rekadong panghanda sa bagong taon.

Ang dagsa umano ng mga mamimili sa downtown area ay dahilan ng mabagal na daloy ng trapiko.

Ayon sa Public Order and Safety Office (POSO) officers na nagbabantay sa bahagi ng downtown area, bagamat maayos naman ang daloy ng trapiko ay isa rin sa nagiging abala ang mga matitigas na ulong pedestrian.

Muling paalala ng POSO sa mga pedestrian na kung maaari ay sumunod sa batas trapiko lalo ngayong year-end rush upang maiwasan ang disgrasya.

Nakaantabay ang kawani ng POSO sa lugar upang maalalayan ang mga driver sa mas maayos na kakalsadahan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments