
May mga dumaragsa na sa Manila South Cemetery para bumisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa paggunita ng araw ng mga kaluluwa.
Ayon sa mga nasa command post sa Manila South, may 162 na agad na dumating hanggang alas-sais ng umaga.
Sa kabila ng mga paalala, may mga nakukumpiska pa rin ang mga pulis na nakabantay sa gate na mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo gaya ng lighter.
Ang mga vape naman, bagama’t hindi pinapayagan sa loob ay nilagyan ng numero para makuha pa rin ng mga may-air paglabas ng sementeryo.
Samantala, kapansin-pansin na nagkalay ang mga basura sa kalsada matapos ang pagdagsa ng mga bumibisita kahapon.
Nasa 157,160 ang kabuuang bilang ng mga dumagsa kahapon dito sa Manila South Cemetery.
Facebook Comments









