Mga bumigay na planta ng kuryente dahil sa tindi ng init ng panahon, nakalinya na para palitan – DOE

Puspusan na ang pagtatrabaho ng Department of Energy (DOE) para mapalitan ang mga bumigay na planta ng kuryente dahil sa tindi ng init ng panahon.

Katuwang ang mga power plant operators, nakalatag na ang kanilang gagawing hakbang para mapabilis ang pagpo-proseso nito na makakatulong sa nararanasang pagnipis sa enerhiya ng bansa.

Ayon kay Energy Assistant secretary Mario Marasigan, mataas talaga ang electricity demand ng publiko ngayon dahil sa temperatura ng panahon bunsod ng El Niño phenomenon.


Kung kaya may mga programa na silang nakalinya para makatulong sa pagpapabilis at pag-e-expand ng mga power plant para maiwasan ang power outage sa Luzon at Visayas Grid.

Samantala, mayroon ding isa pang programa na nakalatag ang energy department na “energy virtual one stop system” kung saan online na ang pagpa-file ng application at clearance depende sa klase ng pag-aplayan ng mga power plant sa bansa.

Facebook Comments