Mga bumisita sa 5 sementeryo sa QC, mahigit 20,000 ngayong umaga

Pumalo na sa 21,228 ang bilang ng mga taong bumisita sa limang sementeryo sa lungsod Quezon ngayong Undas.

Batay sa monitoring ng Quezon City Police District (QCPD), marami pa rin ang bumisita sa Holy Cross Memorial Park na naitala sa 9,569 mula sa 3,625 kagabi.

Sinundan ito ng Bagbag Cemetery na 7,264 mula sa 5,008 kagabi.


Sa Novaliches Cemetery, bumaba na sa 1488 mula sa 3,169 kagabi.

Nadagdagan naman ang pumasok sa Himlayang Pilipino na nasa 2,627 mula sa 1,391 kagabi.

Bumaba na rin ang bumibisita sa Requerdo Memorial Garden na nasa 280 mula sa 1,000 kagabi.

Sa pangkalahatan, naging maayos at payapa ang mga aktibidad sa mga nabanggit na sementeryo.

Facebook Comments