Pumalo na sa 50,596 ang bilang ng mga taong bumisita sa limang sementeryo sa lungsod Quezon.
Batay sa monitoring ng Quezon City Police District (QCPD), marami pa rin ang bumisita sa Bagbag Cemetery na naitala sa 20,877.
Sinundan ito ng Holy Cross na nasa 18,220.
Sa Novaliches Cemetery, nasa 4,555 ang mga bumisita.
Nadagdagan naman ang pumasok sa Himlayang Pilipino na nasa 6,663.
Nanatili naman sa 280 ang pumapasok Requerdo Memorial Garden.
Sa pangkalahatan, naging maayos, at payapa ang mga aktibidad sa mga nabanggit na sementeryo.
Facebook Comments