Mga bumoto laban sa Anti-Terrorism Bill, pinagbibitiw sa puwesto

Pinagbibitiw ni Deputy House Speaker Luis Raymond Villafuerte sa kanilang puwesto ang mga mambabatas na bumoto laban sa Anti-Terrorism Bill.

Sinabi ni Villafuerte na malinaw na pagbalewala ito sa kanila na maging kasapi ng majority coalition ng Kamara.

Aniya, hindi dapat maging miyembro ng mayorya ang mga ito kung hindi kayang sumuporta sa mga urgent measures ng kasalukuyang administrasyon.


Tinukoy ni Villafuerte ang labing-isang (11) kongresista kabilang na sina Albay Representative Joey Salceda at Buhay Partylist Representative Lito Atienza kung saan pinalitan nila ang kanilang boto sa nasabing panukalang batas

Giit pa ng kongresista na may mga panuntunan at proseso para mabago ang kanilang boto kung saan kailangang irehistro at palitan ito sa plenaryo na hindi mababago ng pag-anunsyo lamang ng mga ito sa publiko.

Facebook Comments