Isinulong ni North Cotabato 3rd District Rep. Ma. Alana Samantha Taliño-Santos na payagan ang mga buntis at bagong panganak sa “flexible work arrangements.”
Halimbawa nito ang “work from home” o pag-adjust sa oras ng kanilang time-in at time-out sa trabaho.
Ang hirit ni Santos ay nakapaloob sa inihain nyang House Bill 8471 o panukalang Pregnant Women’s Welfare Act.
Diin ni Santos, ang mga kababaihan ay mahalagang bahagi ng “labor force” kaya kailangan silang suportahan at tulungan na mabalanse ang responsibilidad bilang empleyado at ang pagtugon sa “demands” ng pamilya.
Paraan din ang panukala ni Santos para maging produktibo ang mga buntis at bagong panganak kung saan maiiwasan na sila ay mag-absent o magkulang sa pagtupad sa kanilang trabaho.