Mga buntis at breastfeeding na ina, hindi dapat pagkaitan ng COVID-19 vaccine

Hindi dapat ipagbawal sa mga buntis at mga nagpapasuso ang pagtanggap ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Mianne Silvestre, isang pediatrician na kasapi ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC), walang pag-aaral na may epekto ang bakuna sa mga buntis, mga bagong panganak at mga pinapa-susong sanggol.

Sa kabila nito, rekomendado ng World Health Organization (WHO), mga eksperto sa Estados Unidos, Australia at iba pang bansa ang pagbabakuna sa mga buntis o nagbe-breastfeed.


Tinukoy ni Silvestre ang mga healthcare worker na may COVID-19 na nagpapasuso ng kanilang mga sanggol at binakunahan kontra sa sakit.

Kabilang dito ang isang health professional mula sa Las Piñas, isang nurse mula sa Tacloban City at isa pa mula Palo, Leyte.

Iginiit ni Silvestre na walang dahilan para itigil ang pagpapasuso bago at pagkatapos mabakunahan laban sa COVID-19.

Tinukoy rin nito ang isang bagong panganak na sanggol na may antibodies na kontra COVID-19 mula sa nanay na nagpabakuna habang buntis.

Facebook Comments