Inanunsyo ng Philippine Embassy sa Muscat na uunahin sa kanilang repatriation ang mga Pilipino sa Oman na may medical condition at mga buntis.
Kabilang din sa prayoridad sa repatriation ang mga nabigyan ng amnestiya, mga tinanggal sa trabaho at nakatapos na ng kontrata.
Ang unang repatriation ay sa July 26.
Pinapayuhan naman ang mga kasama sa nasabing flight na ihanda ang kanilang exit permits, ang pagkansela ng visa at ang dokumento ng kanilang binayarang multa.
Tiniyak naman ng Philippine Embassy na magpapatuloy ang kanilang repatriation sa mga Pilipinong naapektuhan ng travel restrictions.
Facebook Comments