Mga buntis, hinihimok na rin na magpa-booster shot

Hinihimok na rin ng mga eksperto ang mga buntis na magpa-booster dose ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Dr. Maria Lorena Santos, fellow ng Philippine Infectious Diseases Society for Obstetrics and Gynecology at Philippine Obstetrical and Gynecological Society, malaking benepisyo ito sa mga sanggol na dinadala ng mga buntis.

Iginiit ni Dr. Santos, ligtas ang pagpapabakuna sa mga buntis laban sa COVID-19.


Sinabi ni Dr. Santos na base sa mga pag-aaral ay mas mababa ang tyansa na makaranas ng matinding sintomas ng COVID-19 ang mga nakakumpleto ng bakuna.

Sa mga buntis aniya, magkakaroon ng mas mataas na antas ng antibodies ang kanilang mga sanggol.

Facebook Comments