Isinama na ng Department of Health (DOH) ang mga buntis sa priority groups para sa COVID-19 vaccination.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, babaguhin nila ang kasalukuyang guidelines para mailagay sa expanded A3 group ang mga buntis.
Base aniya sa rekomendasyon ng kanilang mga eksperto ay ligtas ang COVID-19 vaccines sa mga buntis at mas inirerekomenda na magpaturok ng bakuna sa kanilang second o third trimester.
Tiniyak naman ni Vergeire na maaring magpabakuna ang high risk pregnant women sa kanilang first trimester basta’t naipaliwanag sa mga ito ang benepisyo, mga panganib ng pagpapabakuna at mayroon silang medical clearance mula sa kanilang doktor.
Facebook Comments