ILOCOS REGION – Sinimulan na ang pagbabakuna kontra COVId-19 sa mga buntis sa Ilocos Region. Ang mga ito ay isinama sa ilalim ng A3 priority group sa COVID-19 Vaccination kasunod ng rekomendasyon ng US Centers for Disease and Prevention.
Basahin ang buong detalye sa link na ito: https://wp.me/p8lS0n-2DFJ
#ifmnews #ifmdagupan
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis DOH-CHD1 Information Officer, nabakunahan na ang 277 buntis sa rehiyon at 23 dito ang fully vaccinated.
Base sa pag-aaral ligtas at epektibo ang pagbabakuna sa mga buntis at maiiwasan ang peligrong sila ay makunan.
Samantala, nakatakda namang simulan ngayong buwan ang pagbabakuna sa edad na 12-17 sa rehiyon kapag dumating na ang guidelines sa vaccination ng mga ito.
Facebook Comments