Tiniyak ng pamunuan ng Department of Transportation na bibigyan ng Fuel Subsidy ang lahat ng mga Bus Companies na kaisa sa DOTr Free Ride para sa Health Workers Program.
Nais ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magtuloy tuloy ang operasyon ng programa habang nanatili sa Enhanced Community Quarantine ang Luzon.
Inisyatibo mismo ng kalihim na tulungan ang mga Bus Companies at iba pang partners na nagbibigay suporta para ihatid ang mga Health Workers sa kanilang pinapasukang hospital sa kabila ng banta ng Coronavirus Disease sa bansa.
Naisakatuparan ang Fuel Subsidy Program ng DOTR sa tulong ng Phoenix Petroleum Philippines, Inc.
Para sa Initial Implementation ng programa, bawat isang Unit ng 60 Private Bus Companies ang bibigyan ng 50 litro ng krudo kada araw.
Para maka-avail ng subsidy, kailangan makakumpleto sila ng kahit dalawang round trips sa isang araw.
May pitong Phoenix Gas Stations ang tinukoy na para maka-avail ang mga participating Private Bus Units:
Kabilang dito ang nasa:
- Timog at Bahay Toro sa Quezon City
- Mall of Asia sa Pasay City
- NAIA Road sa Parañaque City
- Malanday 1 sa Valenzuela
- Potrero sa Malabon
- PNX Filinvest-Northgate sa Alabang, Muntinlupa.