
Wala pang kanseladong biyahe ang naitatala ngayong umaga dito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ayon sa mga ticketing officer ng ilang bus company, tuloy na tuloy pa rin ang biyahe sa Bicol Region at Visayas kahit pa ramdam na ang epekto ng Bagyong Crising.
Una nang tiniyak ng pamunuan ng PITX na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang biyahe ngunit naka-depende pa rin ito sa lagay ng panahon.
Pagtitiyak naman nila na ligtas at convenient pa rin ang biyahe ng mga pasahero sa naturang terminal.
Facebook Comments









