Mga bus terminal sa Cubao palabas ng Metro Manila, dinagsa ng mga pasahero ilang araw bago ang kapaskuhan

77

Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga pasahero sa bus terminal sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa mga konduktor, mas madami ang pasahero ngayon kumpara noong Undas kung saan palabas ang ating mga kababayan ng Metro Manila para mag bakasyon.

Base sa pag-iikot n Lt . Col. Elizabeth Jasmin, Hepe ng Cubao Police Station, mapayapa ang sitwasyon sa mga bus terminal pero mapapansin na kampante na ang kilos ng tao na tila wala ng COVID-19.


Puro pa norte ang biyahe sa terminal kabilang na ang San Fernando Pampamga P150, Dau P188, Tarlac P257, Cabanatuan City P180, at Lapaz P240.

Mahigpit na binabantayan ng Quezon City Police District (QPCD) ang sitwasyon sa mga bus terminal laban sa anumang uri ng panggugulo, banta sa seguridad at pagpapatupad ng mga safety health protocol.

Facebook Comments