Mga bus terminal sa Dagupan City handa na sa pagdagsa ng mga bibiyahe para sa halalan!

Dagupan City – Asahan na umano ang mas maraming volume ng mga pasaherong bibyahe para sa paparating na halalan sa lunes ayon sa pamunuan ng isang malaking bus company dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Ellie Mera, dispatcher ng nasabing bus company nagsimula na ang pagdagsa ng malaking volume ng mga byahero noon pang biyernes ng gabi at inaasahang magtutuloy tuloy hanggang linggo ng madaling araw. Mula sa 35 buses nilang bumabyahe sa regular na araw ay maaari nilang dagdagan ito ng hanggang 45 upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasaherong babyahe.

Siniguro din ng mga pamunuan ng mga bus terminal sa lungsod nan aka-full alert na ang kanilang mga security guards bukod pa dito ang mga swat team na may mga k9 units upang siguruhin ang kaligtasan ng mga pasahero.


Dagdag pa ng pamunuan ng mga bus terminal na isaayos o hanggat maaari ay huwag ng magdala ng alagang hayop sa pag-byahe para iwas aberya at magtungo ng maaga sa mga terminal para maiwasan ang pakikipagsiksikan.

Sa kabuuan tiniyak na ng mga pamunuan ng bus terminals na all system go na sila para pag-serbisyuhan ang mga pasaherong papasok at papalabas ng lungsod.

Facebook Comments