MGA BUS TERMINAL SA DAGUPAN CITY, HINDI NA MASYADONG DINAGSA NOONG BISPERAS NG PASKO

Hindi na gaanong matao ang mga bus terminal sa Dagupan City nitong bisperas ng Pasko, dahil kakaunti na lamang ang mga pasaherong bumiyahe o lumuwas patungo sa iba’t ibang lugar.

Ayon sa mga dispatcher, maaga nang umuwi ang karamihan ng mga biyahero, ilan ay noong Disyembre 23 pa, upang makaiwas sa dagsa ng pasahero sa bisperas ng Pasko.

Gayunman, nanatiling tuloy-tuloy ang biyahe ng mga bus, at may ilang pasahero na inabutan na ng pagdiriwang ng Pasko habang nasa daan.

Inaasahan namang muling dadami ang mga biyahero matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon, hanggang sa unang linggo ng Enero 2026.

Samantala, patuloy ang pagbabantay ng hanay ng pulisya sa mga convergence area, kabilang ang mga bus terminal, upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng bawat biyahero. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments